Matindi ang banatan nina Erich at Derek

KUNG kayo ay medyo nabitin doon sa naunang blockbuster movie ng Star Cinema na No Other Woman kung saan nagkaroon ng kuyangyangan sina Anne Curtis at Derek Ramsay at Cristine Reyes at itong huli, dito sa Corazon: Ang Unang Aswang (Showing on March 14) ay mas matindi ang banatan nina Derek at Erich Gonzales.

Sinabi mismo ng aktor sa presscon ng Corazon na ginanap sa Dolphy Theater kamakailan lang na napakarami raw nilang sexcapades ni Erich at kung saan-saan nila ito ginawa. Meron daw sa batuhan, sa tabi ng ilog, damuhan at sa marami pang kanto. Hahaha!

Natawa pa nga ang guwapong aktor nang ikuwento nito ang nasabing kaplugan, este, sex scenes nila ni Erich. Hehehe! Hindi kaya nagselos si Angelica Panganiban sa mga eksenang ito?

Kidding aside, kakaiba ang ang dating ng pelikula nang mapanood namin ang trailer nito. Hindi siya ‘yung typical na horror movie na napanonood natin sa Pinoy movie na nakasentro lamang sa katatakutan. Dito ay merong romansa at matinding pagmamahalan ng dalawang magkaibang nilalang, at walang transformation from human to monster pero titindig ang mga palahibo n’yo at siguradong maiihi kayo sa takot pag napanood nyo ito.

Hindi natin masyadong naririnig ang pangalan ni Direk Richard Somes pero isa pala siyang magaling na direktor. Meron siyang ibang approach sa pagdidirek na wala sa ibang direktor.

***

MVP malapit nang magtake-over sa GMA7?

SUNUD-SUNOD na ang mga nangyayari sa GMA7. Habang nasa proseso ng pag-uusap ang mga may-ari ng Kapuso network at si Mr. Manny Pangilinan ay patuloy namang nagtatalsikan ang kanilang mga talent at maging ang kanilang mga ehekutibo.

At bagama’t kinukumbinsi pa ni MVP ang GMA na ibenta ito sa kanya, nakapagtatakang siniguro na nito sa kanyang empleyado sa TV5 na hindi niya pababayaan ang mga ito. Ano ang ibig sabihin nito?

Mukhang may mga pangitain na tayong nakikita, huh!

Abangan natin ang susunod na mga pangyayari. Huwag kayong pipikit ha, at baka pagbukas ninyo ng television set ay nag-join force na ang Siyete at Singko.

***

Aktor tahimik pero matulis

TATAHI-TAHIMIK lang ang aktor na ‘to na pasulpot-sulpot sa katsang telon pero may angking galing pala ito sa pagpapaibig sa isang babae. Sa maikling panahon na inilagi nito sa Pilipinas partikular sa TV station na kumuha sa kanya ay nakailang girlita siyang natikman outside and inside showbiz. Lahat sila lumuha.

Imagine, ‘yung aktres na tulad niya’y hindi rin palaimik ay naging syota niya. Pero ilang buwan lang ay nakipagkalas sa kanya ang una dahil naramdaman nitong hindi naman siya seryoso rito.

Tinanggap  na lang nito ang nakikipagbalikang ex-bf na non-showbiz guy kesa maloko siya ng aktor.

Lately, may isang bagong lipat na sexy actress sa istasyon na pinagtatrabahuhan ng aktor na ‘to, nagkakilala sila. Ang bilis ng mga pangyayari, may nangyari agad sa kanila at sila’y naging mag-on.

Ang problema, ang akala ng sexy actress ay rito na maglalagi ang damuho kaya ito bumigay agad sa kanya. Huli na nang malaman nitong matagal na pala siyang may planong umalis muli sa bansa. Kaya nagulat ang hitad nang biglang magpaalam ang matulis nating bida.

Na-depress ng husto ang magandang dalaga dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang lumuha dahil sa mga OPM sa kanya ng mga lalaking nakakarelasyon n’ya. Mabuti naman at hindi na niya naisip na magpatiwakal uli, kagaya nang ginawa niya noon nang lokohin at ipagpalit siya sa isang starlet ng nauna niyang bf.

Sana hindi makarma ang aktor na ‘to na hindi naman katangkaran sa mga ginagawa niyang panloloko sa mga kalahi ni Eba. Hindi naman ganyan ang ugali ng mga taga-Munoz. ‘Yun na!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply