Maulan na panahon asahan ngayong araw

ASAHAN na makararanas ng maulap at maulan na panahon sa buong kapuluan ngayong araw.

Kahit na palabas na sa Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon na namataan sa Puerto Princesa City, ay isa pang sama ng panahon o low pressure area ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang naturang LPA ay nasa layong 740 kilometers east ng Southern Mindanao.

Patuloy din na makaaapekto ang tail of a cold front sa Central at Southern Luzon, at Eastern Visayas.

Dahil dito, makararanas ang buong kapuluan ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

Magiging maulap na may malawakang mga pag-ulan sa Palawan, silangang bahagi ng Katimugang Luzon, Silangang Kabisayaan at Hilagang-Silangang Mindanao na pwedeng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa Kalakhang Maynila ay makakaranas din ng maulap na papawirin na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Maglalaro ang temperatura mula sa 23 hanggang 30 degrees Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply