May kanser, inutas ang sariling buhay

KAYSA maging habambuhay na pasakit sa pamilya ang isang may sakit na cancer ay kinitil na lang nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang pulso sa Bgy. New Buswang, Kalibo, Aklan, inulat ng pulisya.

Sa imbestigasyon, nakita na lamang ng kanyang mga kaanak ang 35-anyos na biktima na kinilala lamang sa pangalang Leo na nakahandusay sa kanyang kuwarto at patay na.

Lumalabas na blade ang ginamit ng biktima sa paglaslas sa kanyang pulso.

Nabatid na ilang taon na ring bedridden ang biktima na hinala ng kanyang pamilya na dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply