May natutunan naman kaya tayo???

SA hinaba-haba ng nagaganap na impeachment hearing ni Chief Justice Renato Corona, iniisip ko kung ano ba ang saysay nito sa atin. Meron na ba tayong natutunan sa usaping ito? May mga dapat bang itama? Mga bagay na dapat baguhin, palakasin o palitan?

Sa Free Spits, napansin natin na may mga bagay na dapat big-yang pansin.

Una rito, ang patakaran ukol sa pagsisilbi sa bayan. Dapat bang mahirap lang ang magsilbi sa bayan at ipagbawal ang may mga kaya sa buhay.

Dahil kung pakikinggan natin ang prosecution, para bang sinasabi nila na hindi dapat mayaman o may yaman ang isang opisyal na nagsisilbi sa bansa. Dapat ay akma lang sa ibinabayad sa kanya ng bayan ang pera at ari-arian niya buong buhay.

Ikalawa ang pamamaraan ng pagbibigay ng sahod sa mga kawani ng pamahalaan.

Kung susuriin natin sa nagaganap na hearing, maging ang pinakamataas na mahistrado ng bayan ay hindi kayang pakainin at papag-aralin ang pamilya niya sa sahod na tinatanggap niya.

At ito kadalasan ang ugat ng korapsyon sa ating pamahalaan. Dahil ang mga naghihirap na magsilbi sa atin ay binabayaran natin ng barya habang yung mga magnanakaw ay nag-uuwi ng milyon.

Ikatlo ay ang mga form at application na dapat ay pinupunuan natin.

Napansin ko na ang mga government form ay nakalilito, nakabobobo o kaya ay laos na.
Kaya karamihan sa mga impor-masyon na inilalagay natin ay hindi na importante o walang kinalaman sa nais nating serbisyo.

Sa hearing ni Corona, maraming aral ang lumabas at lumutang na maaari sanang magpaganda ng palakad sa pamahalaan kung bibigyan ng tamang pansin at aksyon.

Kaya minsan, hindi ko magawang ipagwalang bahala ang mga Senate o Congressional hearing na yan. Dahil kung tayo ay nag-iisip at kumikilos, sobrang daming aral ang naituturo sa atin ng mga pagdinig na ito.

Ang masakit lamang, parang walang natututunan sa mga hearing na ito. Para bang sobra tayong nakatutok sa walang kuwentang mga bagay tuad ng intriga, tsismis at pasikatan na nawawalis sa isang tabi ang mga bagay na tama at importante.

Sayang ang pera at panahon natin kung patuloy tayong magiging bulag, pipi, bingi at lalo na iyong tanga sa mga aral na ibinibigay ng mga pagdinig sa Senado at Kongreso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply