May VIP treatment ang Dos kay Toni Gonzaga?

ISANG month-long special na pagbibidahan ng multimedia star na si Toni Gonzaga ang ihahandog ng “Wansapanataym” sa pinakaunang pagkakataon simula ngayong Marso 10 ng ABS-CBN 2.

Abangan ang iba’t ibang kwentong kapupulutan ng aral sa pagbibigay buhay ni Toni sa iba’t ibang karakter bawat linggo.

Tuturuan ng multimedia star ang buong pamilya ng iba’t ibang leksyon bilang isang witch, isang lalaking nagpalit ng anyo bilang babae, at isang kakaibang weather girl. Tunghayan ang iba’t ibang pagdadaanan ni Toni na makakatulong sa paghubog ng pagkatao ng kanyang mga karakter.

Magiging bahagi din sa month-long special sina Guji Lorenzana, Isay Alvarez, Atoy Co, Angel Sy, Nina Dolino, Bryan Termulo, Eda Nolan, Tess Antonio, Cecile Paz, Dexter Doria, at marami pang iba.

Ang ‘Witchy Mitch’ episode sa month-long special ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Eric Salud, samantalang ang ‘Hannah Panahon’ ay sa ilalim naman ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Don Cuaresma.

May nang-iintriga na mukhang may special treatment daw sa kanya ang ABS-CBN dahil siya lang ang binigyan ng isang buwan sa Wansapanataym.

“Walang special treatment… Na-experience ko naman yung pagtrabahuhan yung mga proyekto na mayroon ako. Kung anuman ang mayroon ako ngayon, siyempre we’re thankful na kahit papaano nabibigyan pa rin tayo ng oras, ng panahon, ng tiwala ng ABS-CBN. So binabalik ko naman yun sa kanila sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang maayos, nang mabuti at ‘ako nagbibigay ng sakit ng ulo,” bulalas ng aktres-TV host.

Kumusta naman ang lovelife niya? Paano niya nabibigyan ng oras si Direk Paul Soriano sa rami ng shows niya. Aware ba siya sa  hula na maghihiwalay rin sila at magiging dalagang ina siya?

“Ngayon ko lang kasi na-encounter yan, but since hula lang ‘yan, puwedeng magkatotoo, puwedeng hindi. Dalaga lang, hindi pa ina. Siyempre kina-cast out natin ang mga ganyan para di magkatotoo.We must get away from negativity.”

Anyway, huwag palampasin ang month-long special ng Wansapanataym sa Marso 10, pagkatapos ng Kapamilya: Deal Or No Deal sa ABS-CBN.

-0o0-

KAHIT may dugong showbiz si Cagayan Rep. Jack Enrile dahil tita niya si Armida Siguion-Reyna, hindi siya nakumbinsi na pumasok rin sa pag-aartista kahit pa nga napakarami raw nagsasabi sa kanya noong kabataan niya na pwedeng-pwede siya with his height and good looks.

Pang-leading man din ang dating ng kongresistang ito pero mas gusto raw niya ang magsilbi sa taumbayan kaya mas pinili niya ang mundo ng pulitika tulad ng kanyang amang si Sen. Juan Ponce Enrile.

Magkaiba man sila ng mundo ng kanyang Tita Armida ay nagsusuportahan naman sila. Hindi lang ang tita niya ang kanyang suportado kungdi maging ang buong mundo ng showbiz. Kaya nga minsan ay nagpatawag siya ng presscon for entertainment writers para makilala niya ang mga ito.

Ngayong may bagong ‘laban’ si Cong. Jack, needless to say ay suportado ito ng kanyang Tita Armida dahil for a good cause naman ito.

Kasalukuyang umaapela si Rep. Enrile sa SM (Shoemart) officials na huwag ituloy ang balak nitong putulin ang mahigit 100 pine trees sa Baguio City para lang sa bagong itatayong SM mall sa naturang lugar.

“Learning from the lessons of Typhoon Sendong, we are appealing to owners of the SM mall chain to please listen to the voice of the people and stop this plan. Not only will this have an adverse environmental impact but will also compromise the heritage that Baguio City has been known for,” pahayag ni Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply