Maynila ika-3 sa may pinakamaruming usok na lungsod sa MM

IKATLO ang lungsod ng Maynila sa naitalang may maruming hangin dahil sa mga pambuliko at pribadong sasakyang na nagbubuga ng maiitim na usok.

Nabatid na sa isinagawang Clean Air Summit ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, nangunguna ang lungsod ng Caloocan-Monumento at ikalawa ang Pasay-MRT sa may pinakamaruming hangin habang pangatlo naman ang Manila-Taft sa buong Metro Manila.

Ayon kay Anti-Smoke Belching Unit chief Jowie Sean Arriza Humady, ito’y matapos na bumaba ng 80 porsyento ang Total Suspended Particles sa Kamaynilaan na kasalukuyan ay nasa 101 TSP na noon ay 161 TSP.

Sinabi naman ng Department of Health at Departmnt of Environment and Natural Resources, na matinding panganib umano sa kalusugan ng publiko ang “particulate matters” na nalalanghap na hangin mula sa mga bus, truck, at jeepney.

Napag-alam na umaabot sa mahit 50 sasakyan ang nahuhuli ng at karamihan dito ay mga passenger bus at jeep na nagbubuga ng matinding polusyon sa hangin na hindi pumapsa sa 2.5 level sa opaci meter.

Kabilang rito ang mga bus ng San Agustin, Greenstar, Jetro, Jhoncy at Earthstar na nahuli sa isinagawang oprasyon ng ASBU.

Samantala, ilang tsuper ng bus ang nagalit sa ASBU nang hulihin sa palabag sa smoke belching.

Ayon sa isang tsuper na tumangging magpabangit ng pangalan, mayroong P500 hanggang P1,000 na lagay ang bawat kumpanya ng bus kada araw sa pamamagitan ni alyas Nabus kaya reklamo ng mga ito kung bakit sila pa hinuhuli.

Sa kabila nito, binaklasan pa rin ng plaka ang mga naturang bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply