Mayor sa Ilocos inireklamo ng doktor

KASONG abuse of authority ang isinampa ng isang ex-Rural Health Unit doctor sa mayor ng Cabugao, Ilocos Sur makaraan siyang patawan ng suspensyon.

Ikinagalit ni Dr. Rudy Singson ang naging aksyon ni Mayor Eddie Boy Cubangbang na suspendehin siya sa trabaho dahil umano sa maraming reklamong natatanggap ang lokal na pamahalaan hinggil sa pagiging arogante at pambabastos ng doktor sa kanyang mga pasyente.

Paliwanag naman ni Mayor Cubangbang, binigyan na niya ng ultimatum ang nasabing doktor upang magpaliwanag sa mga reklamo sa kanya pero wala siyang natanggap na sagot.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply