Mayweather-Cotto tickets nagkakaubusan na

NAGKAKAUBUSAN na ng tickets para sa laban nina undefeated pound-for-pound champion Floyd Mayweather at WBA jr. middleweight champion Miguel Cotto sa May 6.

Ayon kay Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer, umaabot na lamang sa 800 tickets ang natitira na siya namang ikinagulat nila.

Sinabi ni Schaefer na sa 16,000 na tickets na pinaimprenta nila, umaabot na sa 15,200 ang nabili na.

Habang isinusulat ito kanina, inaasahan na ng GBP na mabibili na ang lahat ng naturang tickets.

Samantala, sa pagsipa ng media tour ng laban, kasama na nina Mayweather at Cotto sina WBC super welterweight world champion Canelo Alvarez at former world champion Sugar Shane Mosley sa Hollywood’s world famous Grauman’s Chinese Theatre.

Ayon kay Alvarez, matagal na niyang pangarap na makaharap si Mosley at ibibigay niya ang lahat upang manalo.

Si Mosley naman ay nagsabi na excited na siya sa laban at malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng undercard.

Kasabay nito, sinabi ni Cotto na pag-aaralan niya kung paano tatalunin si Mayweather.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply