Mayweather handa nang durugin si Cotto

NAGPASIKLAB kanina si undefeated pound-for-pound champion Floyd Mayweather sa media mula sa kanyang training camp.

Habang nakasuot ng headgear, lumabas si Mayweather sa UStream habang nakikipagsapakan sa kanyang sparmate.

Pero ilang saglit pa ay biglang itinapon ni Mayweather ang kanyang headgear saka sumampa sa ring.

Dito na sinimulan ng American boxer ang pakikipagsapakan kay up-and-coming jr. middleweight Omar Henry.

Si Henry na una nang napaulat na binugbog nang todo ni Mayweather ay tinaguriang “Cotto Clone” dahil sa kaparis ng fighting style ni WBA jr. middleweight champion Miguel Cotto na makakaharap ng una sa Mayo 6.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita ni Mayweather kung paano siya magsanay mula noong sumalang sa sparring session kay Paul Spadafora na sobrang higpit ng seguridad.

Ang tipikal na nakagawian ni Mayweather ay pagbawalan ang media na gumamit ng camera habang pinapanood siya na nagsasanay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply