Mayweather huhubaran ng WBC belt

IKINOKONSIDERA na ng World Boxing Council (WBC) ang pagtanggal ng korona ni welterweight champion Floyd Mayweather dahil sa May 5th clash kay WBA jr. middleweight champion Miguel Cotto.

Dahil mas mataas na timbang ang paglalabanan ng dalawa at pagkatapos nito ay magsisilbi na ng kanyang 87-day jail sentence ay sinabi ni WBC president Jose Sulaiman na magkakaroon na ang organisasyon ng bagong kampeon.

Aniya, ang mananalo sa July 28th clash sa pagitan nina Selcuk Aydin at Robert Guerrero ay maaaring ideklara nilang bagong hari sa dibisyon.

Kasalukuyang hawak ng undefeated na si Aydin ang WBC silver welterweight title na nakuha niya nang kanyang gibain si Jo-Jo Dan dalawang taon na ang nakararaan.

Si Guerrero naman, former three-division world champion at huling lumaban sa lightweight ay hindi pa nakakahawak ng anomang WBC title at ang pagsagupa niya kay Aydin ay kauna-unahan niya sa welterweight class.

Samantala, nilinaw ni Sulaiman na si Top Rank Promotions and promoter Bob Arum ang dahilan kaya hindi pa nagkakaharap sina WBC middleweight champion Julio Cesar Chavez Jr. at middleweight kingpin Sergio Martinez.

“It is not Chavez who does not want the fight, it is his promoter,” wika ni Sulaiman. “They will say that Martinez does not sell, but there is no turning back, because a decision was made by the Convention.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply