M’cañang ayaw makisawsaw sa kaso 2 Azkals player

AYAW makisawsaw ng Malakanyang sa pagkakasangkot ng dalawang manlalaro ng Philippine football team Azkals sa kasong sexual harassment na isinampa ng anak ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kasalukuyan nang may isinasagawang imbestigasyon sa kasong pambabastos ng dalawang miyembro ng Azkals na sina Angel Guirado at Lexton Moy kay dating Commissioner Cristy Ramos.

Ang kasong sexual harassment ay nakasampa na ngayon sa Philippine Football Federation (PFF).

“We have no comment. There is no already an ongoing investigation by the PFF and we do not wish to preempt any findings by the federation,” anito.

Sa ulat, sinabi naman ni Social Welfare and Dvelopment Secretary Corazon “Dinky” Soliman na gusto niyang isailalim sa psychological assessment ang lahat ng miyembro ng Azkals matapos ang naturang insidente.

Aniya, makikita sa psychological assessment ang kakayahan nilang hawakan ang pagiging popular.

Sinabi pa ni Soliman, na makikita rin sa gagawing pagsusuri ang tunay na mental age ng mga player.

Bukod aniya sa psychological assessment, kailangan ding isailalim sa isang cultural orientation ang mga player na hindi ipinanganak sa Pilipinas.

Ang pagrespeto aniya sa babae ay lampas pa sa kultura at makikita umano ito kung may mabuting asal ang isang tao.

Ang ibang miyembro ng football team liban sa may dugong Pinoy ay ipinanganak sa Amerika, Germany, Britanya at may lahing Espanyol.

Si Moy ay isang Fil-Am, habang si Guirado naman ay isang Fil-Spanish.

Sinabi pa ni Soliman na puwede ring isailalim ang mga ito sa values education dahil baka lumaki na ang mga ulo dahil sa kanilang tinatamasang kasikatan.

Samantala, pinanindigan naman ng anak ni dating Pangulong Ramos na si Cristy Ramos na tuloy ang kanyang reklamo sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng manager ng grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply