M’cañang hands-off sa taas-singil sa kuryente

HANDS-OFF ang Malakanyang sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagtataas ng generation charges ng National Power Corporation (Napocor) sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sa ngayon ay wala silang komento sa naturang desisyon ng ERC dahil hindi pa nila nababasa ang kautusan.

Inaasahang sa Mayo mararamdaman ang dagdag-singil sa kuryente kung saan 69.04 centavos per kilowatt hour sa Luzon, 60.60 centavos sa Visayas at 4.42 centavos sa Mindanao.

Aniya, mas mabuting pag-aralan muna ang detalye ng ERC decision bago magbigay ng anumang pahayag.

Bukod dito, patuloy din sa pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo at labis na umaaray ang taumbayan.

Sinabi ng Malakanyang na hindi naman sila nagkukulang at ginagawa ang lahat para maibsan ang pasanin ng mamamayan.

“We have not seen the ERC decision yet. We will defer comment on the issue until we see the details and parameters of the decision,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply