M’cañang nakiramay sa pagkamatay ni Cardinal Sanchez

NAKIRAMAY at nakiisa ang Malakanyang sa mga Katoliko na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang Kabunyihan Jose Cardinal Sanchez, archbishop emeritus ng Nueva Segovia.

“The loss of Cardinal Sanchez will be deeply felt by the Catholic Church the world over,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Si Cardinal Sanchez ay namatay dakong alas-singko ng umaga sa Metro Manila.

Sampung taon na ang nakalilipas ng magretiro siya bilang obispo sa edad na 80.

Mula noon ay nanirahan na si Sanchez sa Rome bago bumalik sa Pilipinas.

Sinabi ni Valte, na bago pa namatay si Cardinal Sanchez ay nagsilbi muna itong Kalihim ng Congregation for the Evangelization of Peoples sa Roman Curia mula 1985 hanggang 1991, at kauna-unahang Filipino na naglingkod sa iba’t ibang kapasidad sa Holy See.

Si Cardinal Sanchez, isa sa anim na Filipino cardinals simula noong panahon ni Pope John XXIII, ay ipinanganak sa lalawigan ng Catanduanes sa Rehiyon ng Bicol at naglingkod sa Simbahan nang siya ay maging pari noong 1946.

Itinalaga siya bilang Cardinal of San Pio V a Villa Carpegne noong 1991 at agad na itinalagang Prefect of the Congregation for the Clergy at pangulo ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See. Kris Jose

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply