M’cañang tanggap na mas sikat si Binay kay PNoy

TANGGAP ng Malakanyang na mas popular si Vice-President Jejomar Binay kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, ito ay dahil palaging ang Pangulo ng bansa ang nakatatanggap ng iba’t ibang klase ng kritisismo, batikos, puna mula sa iba’t ibang sektor at hindi ang bise-presidente.

Wala rin aniyang epekto sa popularidad ni Pangulong Aquino ang sumisikat na taguring “Noynoying” sa pangulo lalo pa at nagpakitang gilas naman ang ekonomiya ng bansa.

Tinukoy nito ang CCT program ng pamahalaan kung saan ay may tatlong milyong benepisaryo.

“We are on track with our social service program. We continue to ensure that our programs towards poverty alleviation are pushed forward,” anito.

Ikinatuwa naman ng Malakanyang ang inilabas na resulta ng survey ng Ulat ng Bayan Pulse Asia Survey na nagpapakita na 70%  ng mga Filipino sa bansa ang patuloy na nagtitiwala kay Pangulong Aquino, habang 69% naman ang nagpahayag na nagugustuhan nila ang trabaho at inisyatiba nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply