McKinley property, itinangging kay Corona

ITINANGGI ni Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng defense counsel na pag-aari nito ang P6.1M McKinley property na isinama ng House prosecution panel sa Article 2 ng verified complaint na hindi naideklara sa Statement of Assets and Liabilities Net Worth (SALN) ng punong mahistrado.

Sa pagpapatuloy ng presentasyon ng testigo at ebidensiya upang pabulaanan ang akusasyon laban kay Corona, iniharap ni Atty. Dennis Manalo si Atty. Perlita Ele, executive clerk of court ng Quezon City kabilang ang mga dokumento sa McKinley property na hindi pag-aari ng chief magistrate.

“The purpose of the presentation of the witness is to prove our theory that the McKinley property was owned by Czarina, paid by espouses Renato and Cristina Corona in trust in favor of Czarina based on Declaration of Trust and Special Power of Attorney (SPA),” ayon kay Manalo.

Inaprubahan kaagad ni Senate President Juan Ponce Enrile ang presentasyon ng naturang testigo saka lamang sinimulan ng defense panel ang paglalahad ng dokumento sa impeachment court.

Sa naturang punto, sinimulan ni Manalo ang pagtatanong kay Ele hinggil sa kanyang personal kaalaman sa mga pangyayari kabilang ang kahilingan mula sa impeachment court na isumite ang Declaration of Trust at Special Power of Attorney na isinagawa pabor sa mag-asawang Renato at Cristina Corona.

Kinumpirma naman ni Ele sa impeachment court ang katotohanan at kaliwanagan sa Declaration of Trust na isinulat ng mag-asawang Corona pabor kay Czarina Corona; at ang Special Power of Attorney (SPA) na ginawa namna ni Czarina pabor sa mag-asawang Corona bilang ahente sa pagbili ng McKinley property.

“The documents submitted to this court would prove that the McKinley property was not owned by the chief justice, but by his daughter Czarina based on document submitted by the witness,” ayon naman kay Manalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply