Media nagtipon para sa biktima ng Maguindanao massacre

NAGSAGAWA ng pagtitipon ang mga mamamahayag sa lungsod ng Cagayan de Oro sa tapat ng Press Freedom monument upang ipagpatuloy ang ipaglaban na hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Ang paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng Maguindanao massacre ay ipinagpapatuloy sa kabila nang dalawang taon at tatlong buwan na ang nakalipas ay nanatiling mabagal ang takbo  ng hustisya para sa mga biktima.

Ayon kay Msgr. Elmer Abacahin,  presidente ng Cagayan de Oro Press Club (COPC) hindi siya titigil sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa pag-alala ng Maguindanao massacre na unti-unting nabubura sa kasipan ng mamamayan.

Hiniling din ng grupo sa National Press Club (NPC) na tulungan silang matutukan ang kanilang adhikain na mapadali ang paglilitis sa mga taong nasasangkot at mabigyan ng hustisya ang mga naulila ng karumaldumal sa pagpaslang sa mga mamamahayg. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply