Medical abstract ni Ampatuan Sr. pinasusumite ng korte ngayong araw

PINASUSUMITE ng korte ang medical abstract ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. ngayong araw.

Ayon sa kautusan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, mayroong 24 oras ang matandang Ampatuan para isumite ang nabanggit na dokumento.

Ito ay upang malaman ang tunay na kalagayan ni Andal Sr. na kasalukuyang nasa V. Luna General Hospital o AFP Medical Center dahil sa ilang sakit.

Bago ito, pinayagan ng korte na manatili sa ospital ang pangunahing suspek sa Maguindanao massacre.

Magugunitang, isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) si Andal Sr. noong Biyernes (Marso 9) matapos na sumuka ng dugo at makaranas ng paninikip ng dibdib.

Lumabas sa pagsusuri na isinagawa sa matandang Ampatuan na mayroon itong community-acquired pneumonia, type 2 diabetes mellitus, hypertensive heart disease, alcoholic liver disease at coronary syndrome.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply