Mekaniko niratrat, dedo

KINALADKAD muna palabas ng sinasakyang taksi bago niratrat ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang mekaniko sa Quezon City kagabi (Marso 21).

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan at namatay noon din ang biktimang si Margani Salih, 51-anyos walang permanenteng tirahan.

Blangko pa ang Quezon City Police District (QCPD) kung sinong grupo ang nagkasa ng krimen pero nagsusumikap na makakuha ng mga detalye para malaman ang motibo sa pagpatay.

Sa ulat ng Criminal Imvestigation and Detection Unit CIDU), naganap ang insidente dakong 9:30 kagabi sa Quirino highway sa Barangay Talipa.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Al Ponperada, ng QCPD station 3, bago ang insidente ay lulan ang biktima at dalawang kasamahan sa isang taksi nang biglang harangin ng isang sports utility van (SUV) na may sampung armadong kalalakihan.

Sa hindi malamang dahilan, bumaba ang mga suspek sa kanilang sasakyan at binatak palabas ng taksi ang biktima at saka pinagbabaril.

Hindi naman tinamaan ang kasamahan ni Salih kaya nang makaalis ang mga suspek ay agad ini-report ang pangyayari sa pulisya.

Naniniwala rin ang pulisya na ang target lang talaga ng mga suspek ay ang biktima dahil halos lahat ng bala ay sa ulo nito tumama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply