Melissa Ricks inspirasyon si Paul Jake Castillo?

INAMIN ni Paul Jake Castillo sa isang panayam sa telebisyon na nililigawan niya si Melissa Ricks.

May isang date nga raw sila, kung saan ipinagluto ni Paul Jake ng ilang seafood dish ang magandang aktres.

May mga bulung-bulungan nga na mag-on na raw sina Melissa at Paul Jake, pero itinanggi ito ng aktres.

Gayunman, sinabi ni Mel, na si Paul Jake raw ang lalaking nagpapangiti sa kanya ngayon at isa sa kanyang mga inspirasyon.

Kitam!

–000–

Juday, Iza, Agot at Janice magsasama-sama sa isang pelikula

NAGSIMULA na raw ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, at Janice de Belen.

Ito ay ang “Mga Mumunting Lihim” na Entry ni Direk Joey Javier Reyes para sa director‘s showcase ng Cinemalaya Film Festival ngayong taon.

Abangan!

–000–

FINALLY nasa Pinas na ang kontrobersyal na si BB Gandanghari!

Eksklusibo nga siyang nagpaunlak ng interview sa wife ng kanyang utol (Robin Padilla) na si Mariel Rodriguez sa isang programa sa TV5.

Say ni BB excited na raw siyang magkita sila ng ex-wife na si Carmina Villarroel.

Iba na kasi siya ngayon kaya excited siya na makita ni Carmina ang kanyang hitsura.

“Hi! I‘m BB Gandanghari!” Ito raw ang kanyang unang sasabihin sa aktres sa unang pagkikita nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply