Melissa Ricks mas maganda ang magiging future kay Paul Jake

TAMA lang na this time ay mag-move on na si Melissa Ricks sa tila bangungot na naging relasyon nito kay Jake Cuenca. Kahit sabihin pa ng iba na nagpakabaliw siya sa kanyang former boyfriend, hindi maitatangging minahal talaga niya ito nang husto kaya hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya tuwing nakikita ang ex Papa.

Pero for us, nakikita naming mas maganda ang magiging future ni Melissa sa kanyang dini-date ngayong negosyanteng aktor na si Paul Jake Castillo.

Hindi naman namin sinasabing walang kuwenta itong si Jake, pero parang hindi naman ito seryoso sa kanyang lovelife dahil career at pagpapayaman ang priority nito sa buhay unlike Paul Jake na naghahanap na talaga ito ng kanyang magiging wife in the near future.

Kung sakaling maging sila na ni Melissa, sigurado kaming marami ang magiging masaya lalo na ang Mommy ng young actress na matagal nang hindi feel si Cuneca.

Nagpapakatotoo lang gyud!

***

Kina-career na talaga ng Viva Recording Artist na si Ms. Claire dela Fuente ang kanyang pagiging talent manager dahil maliban sa made ng sina Sam Pinto at Bela Padilla na parehong alaga ni Claire sa kanyang CDF Enter- tainment, hawak na rin nito ang career ng anak na si Leroy dela Fuente, Meg Imperial, Maffy Soler, Jensen Kyra Tenoso at ang may launching movie na sa Viva Films at Reality Entertainment ni Dondon Monteverde na si Yam Concepcion. Sa mga hindi pa aware, si Yam ‘yung girl na napanood natin sa Globe commercial na umiiyak.

Actually, matagal na siyang kinumbinsi ni Ms. Claire pero undecided pa siya that time.

Pero ngayon, handang-handa na si Sam na pumalaot sa industriya at dahil sexy rin siyang katulad nina Sam at  Bela at palaban, kaya todo pa-sexy ang gagawin niya sa kanyang launching movie na Rigodon na idi-direk ni Yam Laranas.

Base sa aming naririnig, kahit na nagpakita ng katawan si Yam rito ay may acting naman ito kaya hindi bastos lumabas ang kanyang mga sexy scenes sa nasabing film.

Well, goodluck gyud and welcome to the world of showbiz Yam Concepcion na in the future ay malamang na mag-pose rin sa FHM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply