Mendiola, Santiano at Rivera wagi sa Round 2 ng Shell Helix Slalom

BIGO pa rin si Milo Rivera na maagaw ang Fastest Driver title mula kay Doc Peewee Mendiola sa 2012 RACE Motorsports Club Shell Helix National Slalom Series.

Sa ginanap na ikalawang round nito noong Marso 4 sa SM City Sucat, wari’y makukuha na ni Rivera ang Best Time of the Day title nang makapagtala ito ng 52.12 seconds sa isa sa kanyang mga run sa course, ngunit sinuklian ito ng mas mabilis na 51.98s ni Mendiola.

Ang Big Man ng Big Chill Racing Team na si Mendiola ay ang kasalukuyang may hawak ng Overall and Production Rear Wheel Best Time of the day title sa kasalukuyang Slalom.

Naihabol naman ni Noel Rivera sa 3rd place ang kanyang best time na 52.42s kasunod si Peque Alacbay ng Team Uno, 53.74s, at ang privateer na si Pompy Yambao, 54.58s.

Para naman sa Production Front Wheel category, tinalo ni Dax Santiano ang halos sampung (10) drivers para sa Production Front Wheel Best Time of the Day sa isinumite niyang oras na 56.82s.

Hawak pa rin ng binatilyong si Estefano Rivera ang titulo para sa  Best Time of the Day ng Novice category matapos ang ikalawang round kung saan nakapagtala siya ng 55.08s.

Ang ikalawang round ng National Slalom Series ay suportado ng Shell Helix Motor Oils, Federal Tyres, Outlast Battery, Dubshop Magwheels, Starbright Bodykits,  Tripnotic Lab Creative Media Experiments, Forsc Ink Mobile System, STOPLIGHT TV, C Magazine, Wheel To Wheel Magazine, www.AutoIndustriya.com.,Kotse.Com.Turbo Time,  Pinoy Speed, Inside Motoring , Auto Transporter, Racing Beat Wave 89.1, SM Sucat At SM Supermalls..

Ang Round 3 ng MOTORSPORTS CLUB SHELL HELIX National Slalom Series ay gaganapin sa SM Southmall Parking Lot sa Aprill 22. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa kanilang Facebook page na RACE Motorsports Club o di kaya sa kanilang website na www.racemotorsports.com.

***

SK Racing

MATAGUMPAY ang isinagawang SK Invitational Race noong nakaraang linggo sa Boomland Kart Track sa Pasay City. Ang SK Racing ay isang grassroots race para sa mga Underbone at Scooter riders mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na taunan kung idaos.

Panalo ang rider at long-time SK racer na si Rizaldy Canare para sa 150cc Modified category. Sinundan naman ito nna Niño Fabian at Anthony Roman, na kapwa nasa ikalawa at ikatlong pwesto. Umakyat naman sa ikalawang pwesto si Roman para sa pagkarera niya sa 130cc Modified habang isa pang suking SK Racer na si Tracy Soyangco ang nag-uwi sa unang pwesto; si Edzen Zuñiga ay ikatlo.

Para naman sa 110cc modified, ang mga nagwagi ay sina: Marko Deliganzo (1st), Robert Adriano (2nd) at James Aldrin Mendez (3rd). Ang isa sa mga crowd favorite na si Hajime Tadachi ay pasok naman sa ikalimang pwesto.

Isa pang beteranong SK Racer ang hindi sinwerte nang araw na iyon. Si Paul Mark Doblada ay naluklok sa ikatlong pwesto para sa karera ng 180cc scooter, habang sina Miko Montano (2nd) at  Herbert Lopez (1st) ang umupo sa top 2 spots. Sina Jeffrey Tria (1st), Mark Aldrin Tan, at Juver Mirasol (3rd) ang kumuha sa top 3 spots ng 130cc scooter.

Ang karera para naman sa 160cc scooter ay pinangunaha ni Gerry Quiñones, na sinundan ni Doblada, at sa ikatlong posisyon ay ang beteranong SK Racer na si Dustin Esguerra.

Para naman sa 180 scooter, apat lamang ang nakapasok sa top 5 spots: Herbert Lopez (1st), Miko Montano (2nd), Paul Mark Doblada (3rd), at Arlan Dela Cruz (4th). Ang sumusunod ay ang listahan ng iba pang nagwagi sa iba’t ibang kategorya:

110cc-125cc Stock (Mixed Novice)
-1st Jhervin Miranda
-2nd Jhajime Tadachi
-3rd Jovan Miñano

110cc-125cc Stock (Mixed Beginner)
-1st Koko Tadachi
-2nd Marvin Nicol
-3rd Eljin Lobario

Pocket Bike Kids
-1st Neil John Centeno
-2nd McKinley Paz
-3rd Amber Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply