Metro Manila, Southern Luzon maulan, maulap – PAGASA

MAGPAPATULOY ang mga manaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong maghapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa satellite image ng PAGASA ngayong umaga, nababalot ng kaulapan ang Metro Manila, Southern Luzon at Bicol region.

Batay pa sa ulat ng PAGASA, umiiral pa rin ang easterlies o hangin mula sa silangan ng bansa na may dalang kaulapan.

Makararanas naman ng maaliwalas na panahon ang bahagi ng Visayas at hilagang Mindanao, maliban na lamang ang Southern Mindanao na maaaring makaranas ng mga kalat-kalat na kaulapan.

Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa paglalayag sa bahagi ng Luzon dahil sa masungit na lagay ng alon sa karagatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply