Mga bus humirit din ng fare hike

NAKIHIRIT na rin ng provisional increase ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) matapos sabihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posibleng pagbigyan nila ang mga dyip.

Ayon kay PBOAP President Alex Yague ngayon, karagdagang 20-centavos sa bawat susunod na kilometro lamang ang hiling nilang fare hike dahil patuloy ang pagtaas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaang nagsumite na sila noong isang taon ng 40-centavos increase sa LTFRB ngunit hindi ito inaprubahan.

Handa rin umano silang ibaba ang pamasahe sakaling bumaba ang presyo ng petrolyo sa mga susunod na buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply