Mga bus terminal sa MM dinadagsa ng pasahero

DUMADAGSA na ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ngayong umaga pa lang ay umabot na 3,000 ang pasahero sa ordinary bus sa Araneta Avenue terminal.

Karamihan sa mga naunang bumiyahe ngayon ay mga estudyante na tapos na ang klase sa eskuwela.

Dahil bakasyon na sa eskuwela, sinamantala nila ang pagkakataon para makauwi nang maaga sa probinsya para magbakasyon.

Sa unti-unting pagdating ng mga bibiyahe para sa Holy Week, sunud-sunod na rin ang inspeksyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Kaninang umaga binisita ng MMDA at Land Transportation Office ang bus terminal sa Araneta. Ito ang ikalawang inspeksyon ng LTO sa mga bus.

Ayon kay Edgar Cabase, director ng LTO, dalawang bus naman ang pinigilang makabiyahe dahil sa basag na windshield at lumang gulong.

Nagpakalat naman ang MMDA ng mga tao para tumulong na rin sa pagbitbit at pagkarga ng mga bagahe ng mga pasahero na bumababa mula sa mga taxi.

Tumutulong ang mga traffic personnel para sa mga pasareho para hindi magka-trapik.

Ngayon tutulong na rin ang mga taga-MMDA Sidewalk Clearing Operations Group.

Samantala, suspendido naman ang number coding mula Lunes Santo, April 2 hanggang April 9.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply