Mga dapat gawin ng buntis na walang permit to stay

KARANIWANG pinangangambahan ng mga nagdadalang-tao ang kawalan ng kanilang dokumento o permit to stay mula sa isang bansang kinaroroonan.

Pero sa bansang Italya, ang mga nagdadalang-tao ay hindi maaaring patalsikin hanggang ang anak ay hindi sumasapit sa ika-anim na buwan ng buhay nito. Sa panahong ito, kahit pa ang asawang walang permit to stay, na naninirahang kasama ng future mom ay hindi rin maaaring patalsikin.

Ang Permit to stay for pregnancy (Permesso di soggiorno per motive di gravidanza), ay isang karapatang ipinagkakaloob ng Questura sa mga nagdadalang-taong iligal sa Italya.

Kinakailangang ibigay ang mga personal data, ang tirahan, litrato at 14.62 revenue stamp. Kailangan din ng patunay o medical certificate kung saan nasasaad ang pagbubuntis maging ang araw ng kapanganakan. Ang medical certificate na ito ay dapat mula sa Local Health Offices (ASL) o ng isang doktor mula sa family planning clinic (Consultorio).

Matapos magkaroon ng nasabing permit to stay, ay maaari nang magpatala sa National Health Sevice na magbibigay karapatan ng exemptions sa mga bayarin ng medical check-ups at laboratory tests upang mapangalagaan ang sinapupunan.

Dapat na tandaan na habang balido ang nasabing permit to stay ay hindi maaaring lumabas ng bansa, magtrabaho at lalong higit ang mai-convert ito sa ibang uri ng permit to stay, maliban na lamang sa exceptional cases, base sa www.e-lawyersonline.com, ni Atty. Marlon Valderama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply