Mga ilog umapaw: 5 tulay sa Isabela hindi na madaanan

HINDI na madaanan ang limang tulay bunsod ng pag-apaw ng mga ilog sa Isabela dahil na rin sa patuloy na pag-ulan simula pa noong Miyerkules.

Nabatid na tumaas ang water level sa mga ilog at sapa kaya hindi madaanan ang Alicaocao overflow bridge sa lungsod ng Cauayan gayundin ang overflow bridge na nag-uugnay sa mga bayan ng sa Sto. Tomas, Sta. Maria at Cabagan.

Maging ang overflow bridge ng Gucab at Annafunan sa bayan ng Echague.

Nakaalerto naman ang mamamayan sa Isabela partikular sa mga nakatira sa mababang lugar at malapit sa mga ilog at sapa dahil sa patuloy na pag-ulan.

Nababahala naman ang mga magsasaka sa Isabela na nag-aani na ng kanilang mga tanim na palay at mais sa epekto sa kanila ng mga pag-ulan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply