Mga kasambahay sa HK nagmartsa vs diskriminasyon

MARIING tinutulan ng mga Household Service Worker (HSW) sa Hong Kong ang patuloy na diskriminasyon sa kanilang karapatan bilang mga kasambahay sa nasabing bansa.

Sa isinagawang kilos-protesta noong Sabado (Marso 10) sa harap ng tanggapan ng Central Government sa Victoria Road, sinabi ng mga kasambahay mula sa Pilipinas, India, Nepal at iba pang Asyanong bansa na nagpapatuloy ang hindi-pantay na pagtingin sa mga HSW ng kanilang mga amo.

Ang kilos-protesta ay inorganisa ng Asian Migrants Coordinating Body (AMCB) at ng International Migrants Alliance (IMA) Hong Kong chapter bilang pagdiriwang sa pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan.

Kabilang sa mga ipinaglalaban ng mga kasambahay ay ang pagtataas ng sahod ng mga foreign domestic worker (FDW), pagtanggal sa bagong kondisyon sa pananatili sa bansa, pagbabawal na kumuha ng mangagawa mula sa bansang Nepal, at pagtigil sa pagpapatupad ng pakataran na nagtatanggal sa mga kababaihang migrante na makakuha ng benepisyo tulad ng minimum wage na itinatakda ng batas.

Tinutulan din ng mga kasambahay ang mga umiiral na patakaran sa kani-kanilang bansa, tulad sa Pilipinas na patuloy na tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, at ang ipinatutupad na singil sa expanded value added tax (EVAT) na siyang ugat umano ng pagsirit ng mga presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.

Nagprotesta naman ng mga Indonesia migrant worker ang pagbabawal na lumipat sa ibang placement agency sa loob ng unang dalawang taong pagtratrabaho. Ang nasabing patakaran ay magbubunga ng pagiging bihag umano ng mga recruitment agency ang mga HSW at pagsasamantala sa pamamagitan ng puwersahang pangongolekta ng mga iba’t ibang bayarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply