Mga kaso sa Sandiganbayan pabibilisin

NAIS ni Senador Teofisto Guingona III na mapabilis ang mga kaso sa Sandiganbayan.

Dahilan ito para maghain ng panukala ang senador para amiyendahan ang batas na nagtatag sa anti-graft court.

Nakapaloob sa Senate Bill bilang 3111 na mula 14 ay itataas ang bilang ng mga Justice ng Sandiganbayan sa 44.

Isinusulong ni Guingona ang naturang panukala matapos lumabas sa pag-aaral ng Korte Suprema at World Bank na ang bawat 1 sa 5 division ng Sandiganbayan ay umaabot ang hawak na kaso sa 1,000 bawat taon.

Binigyang diin ni Guingona, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nakadidismaya ang kanyang nalaman na average na panahon bago maresolba ang isang kaso ay pitong taon.

Sa panukala ng senador, papayagan na ang isang sandiganbayan Justice na humawak ng kasong mag-isa.

Alinsunod sa kasalukuyang sistema, tatlong mahistrado na bumubuo sa isang division ang dumidinig sa isang kaso kaya natatambakan ng mga hinahawakang asunto ang anti graft court.

Nakapaloob din sa panukalang batas ni Guingona na mula sa lima ay itataas sa 15 ang divisions ng Sandiganbayan na ang pito ay itatalaga sa Metro Manila at tig-apat sa Visayas at Mindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply