Mga kongresista galit kay Rep. Tiangco

NANGGAGALAITI umano ngayon ang maraming kongresista kay Navota Rep. Toby Tiangco.

Inihayag ito ni House Majority Floorleader matapos ang diumano’y nakasisirang mga pahayag ni Tiangco kahapon (Marso 12) sa impeachment trial ukol sa ginawang pambabraso ng liderato ng Kamara sa pork barrel ng mga mambabatas.

Giit ni Gonzales na karamihan sa mga nagagalit na mambabatas ay iyong mga lumagda sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona.

Dahil dito, binalaan ni Gonzales si Tiangco na paghandaan ang posibleng expulsion proceedings dahil tiyak na may mga maghahain ng reklamo laban dito.

Ipinaliwanag ni Gonzales na lumalabas na walang tiwala si Tiangco sa integridad ng Kamara nang magkusa itong tumestigo sa impeachment trial.

“We anticipate (expulsion proceedings) and I’m sure as a fair warning for Toby, he should prepare for one. Mayroon ba o is it a possibility? Of course it is a possibility. Hindi pa namin formally pinag-uusapan ito because the testimony is not yet finished, after niyang matapos.”

Samantala, duda naman si House Deputy Speaker Crispin “Boying” Remulla na mapapatalsik si Tiangco o mahaharap sa alinmang parusa dahil sa ginawang pagtestigo at paglalantad ng pinag-usapan sa caucus ng Kamara.

Magkagayunman, aminado si Remulla na masalimuot ang sitwasyon na napasukan ni Tiangco.

“It still privilege communication (caucus). He (Tiangco) is walking the gray line now, the thin gray line. That’s where he is now, he has not exactly violated everything here or done a grave fault but in danger of doing that,” sinabi pa ni Remulla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply