Mga korap na pulis

QUEZON City Hall detachment at mga pulis sa stations 3, 4 garapalan manguha ng piyesa sa bentahan ng surplus?

Misyon Aksyon sana makarating ang aming reklamo sa isang opisyal ng QCPD dahil kung tumara at manghuli sa kanyang mga naaaresto bago pakawalan sagad sa buto ang aabutin mo.

Alam mo sir walang ibang panakot at bukang bibig nito si Mayor Bistek na hindi siya masisibak dahil malakas ang dating niya kay meyor.

At may basbas siya sa lahat ng intelehensya tulad ng iligal na sugal maging ang mga club sa QC na may palabas na hubad at malalaswa.

Maging ang kanyang bagman na isang SPO3 ay grabe kung manara. Kapag hindi nakapagbigay ay malutong na mura ang aabutin mo, at walang ibang sinasabi kundi si Major Claraval na siyang city hall detachment at ipasasara nila at kakasuhan ang mga club.

Sana makarating po ito kay Mayor Bistek at kay Gen. Dela Vega na bagong upong QCPDC. Umaasa po kami sa agarang aksyon.

Gumagalang
Concern Citizen

Misyon Aksyon grabe naman po ang tauhan ng Stn 4 na isang Dacusin akala mo kung magpaayos ng kanilang sasakyan ay may-ari ng isang tindahan ng surplus.

Wala na ngang pambayad galit pa kung umusta sasabihin sa iyo ay “pulis ako.” Tuloy ang amo ko walang imik sa takot. Tama po ba at obligasyon na ipagawa ang mobile na to? ‘Di po ba may budget ang mga sasakyan mula sa city hall? Saan kaya mapupunta ang pera? Sana makarating ito sa kinauukulan.

Pakibanggit n’yo na rin ang Stn 3 dahil iyong mga taga-SAID na isang imbestigador ang apelyido ay Borja ay grabe rin po… halos lahat ng piyesa ng kanilang mobile ay gustong papalitan ok lang sana kahit iyong puhunan na lamang nila ang bayaran eh gusto pa TY.

Pati personal na sasakyan ay paaako pa sa amo ko. Umaasa po ako na makararating ito kay PNP Chief Bartolome at kay DILG Sec. Jesse Robredo.

Gumagalang
Mr. Surplasan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply