Mga labi ni Rep. Iggy nasa Kamara na

ISINAGAWA kaninang umaga ang necrological rites sa Kamara para sa mga labi ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Ganap na 10:00 ng umaga pinasimulan ang Requiem Mass.

Katatapos lamang ang eulogy ni Camarines Sur Rep. Dato Arroyo, pamangkin ni Iggy.

Nakatakda ring magsalita sina House Speaker Feliciano “SB” Belmonte, House Minority Leader Danilo Suarez at House Deputy Minority Leader Milagros “Mitos”Magsaysay.

Dakong 1:00 ng hapon ay aalisin na ang mga labi ni Iggy sa session hall at ililipad naman ito sa Bacolod upang doon naman paglamayan. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply