Mga lalaki sa Zimbabwe nirereyp dahil sa semilya

KINATATAKUTAN na ng mga lalake ang mga babae ngayon sa bansang Zimbabwe matapos kumalat ang mga ulat na dumarami pa ang naitatalang kaso ng grupo ng babae na nanggagahasa ng mga lalaki saka sapilitang kinukuha ang kanilang semilya na iniipon sa condom na ipinagagamit sa kanila.

Nabulgar sa lokal na media ang mga insidente noong 2009 subalit tatlong babae pa lamang ang naaresto ng mga pulis kung saan nakumpiska sa kanila ang isang plastic bag na naglalaman ng 31 gamit nang condom.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang insidente ng pag-atake sa mga lalaki na umaabot na sa 17 kelot ang nagreklamong nagagahasa.

Nabatid na pinapasakay ng grupo ng babae ang kanilang bibiktimahin sa isang sasakyan saka paiinumin ng pampagana sa sex o kaya ay tututukan ng patalim saka pipiliting makipagtalik hanggang masaid ang semilya.

Hinala naman ng awtoridad na may malaking sindikato sa likod ng mga babaeng rapist, at pinagkakakitaan ng mga ito ang semilya na nakukuha sa kanilang nagagahasa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply