Mga negosyante umalma sa matinding brownout

UMALMA na ang mga negosyante dahil sa matinding brownout na dinaranas sa Zamboanga City.

Nabatid  na umaabot sa 15 oras ang araw-araw na brownout ang nararanasan sa lugar na siyang dahilan ng pagkalugi ng mga negosyante roon.

Inirereklamo ng mga negosyante na nasisira na ang mga gamit nilang de-kuryente dahil sa biglang pag-fluctuate ng power supply.

Nais paimbestigahan ni Mindanao Development Authority Chairperson Luwalhati Antonino sa Department of Energy (DoE) ang nasabing isyu at nais din nitong makialam na ang kongreso sa pamamagitan ng pagsasagawa ng congressional inquiry.

Nabatid na posibleng tumagal ng hanggang taong 2015 ang nararanasang kakapusan ng supply ng kuryente sa buong rehiyon kung hindi ito agad na masosolusyunan.

Ilan pa sa mga lugar na apektado ng anim hanggang walong oras na brownout ay ang South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply