Mga panukala na dapat isabatas (5)

MGA reader, panlimang bahagi po to ng mga panukala sa Kongreso na sa tingin ng inyong lingcod ay nararapat lamang na maisabatas ng kasalukuyang kongreso.

1- AN ACT PROVIDING FOR A NATIONAL PROGRAM TO SUPPORT AND CARE FOR ORPHANED, ABANDONED, NEGLECTED AND VOLUNTARY COMMITTED CHILDREN, CREATING A SPECIAL TRUST FUND THEREFORE, AND FOR OTHER PURPOSES

Kung sinoman ang kulang sa biyaya sa buhay ay kailangang kalingain at punan ng batas. Ito ang nais ng panukalang ito. Maglalaan ng isang TRUST FUND ang gobyerno para sa mga “orphaned, abandoned, neglected or voluntary committed minor” sa ilalim at pangangalaga ng mga DSWD-accredited child caring institutions and care centers.”

Ang TRUST FUND ay magma-mature kapag ang bata ay nasa hustong gulang na at ibibigay sa kanya upang mapaghandaan ang kanyang kinabukasan.

Napakagandang panukala ito dahil sa inihahanda nito ang kinabukasan ng mga bata na walang maaasahan kundi ang ating pamahalaan na magsisilbing kanilang “magulang” sa ilalim ng prinsipyong “PARENS PATRIAE.” This proposed measure underscores the fact while our child-caring institutions receive support from public and private sources, there is a need to address the orphaned, abandoned, neglected or voluntary committed child’s need to address at the least, some form of mechanism that will provide them a secure and better future. If nobody can do this for them, the Government must step in and perform the task.

2- RESOLUTION CONCURRING IN THE RATIFICATION OF THE ROME STATUTE OF THE INTERNATIONAL CRIMINAL COURT.

Ito ay isang resolution na dapat manggaling sa Senado upang maipagtibay o ratipikahan ng ROME STATUTE OF THE INTERNATIONAL CRIMiNAL COURT. Ang International Court na ito ay ang kauna-unahang permanenteng husgado sa International Community na may jurisdiction na litisin at hatulan ang mga nagkasala ng mga krimeng katulad ng genocide, crimes against humanity, war crimes at crimes on aggression.

May commitment ang bansang Pilipinas at kaisa ito at kasama ng mga bansa na pangalagaan ang karapatang pantao at pagkakaroon ng isang INTERNATIONAL CRIMINAL JUSTICE SYSTEM.

3- AN ACT EXPANDING THE PROHIBITED ACTS OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN ON ACCOUNT OF SEX, AMENDING FOR THE PURPOSE ARTICLES 135 AND 137 OF PRESIDENTIAL DECREE NUMBER 442, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE LABOR CODE OF THE PHILLIPPINES.

Panukala ito na pabor sa ating mga kababaihan. Nais nito na palawakin ang mga “acts of discrimination” laban sa kababaihan sa trabaho dahil lamang sa pagiging babae ang basehan. – “The bill seeks to expand the prohibited acts of discrimination, giving preference to a male employee over a female employee in the hiring process, whether through notices, announcements or advertisement for employment and apprenticeship or in the actual recruitment, hiring or employment of workers where the particular job can be equally handled by a woman; and favoring a male employee over a female employee with respect to dismissal of personnel or the application of the first in first out or other retrenchment policy of the employer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply