Mga panukalang dapat isabatas (2)

ITULOY po nating ilahad ang mga panukala na sa nalalabing kasalukuyang Kongreso ay  maisabatas sana ng mga kinatawan natin sa kongreso.

5. AN ACT PROVIDING FOR PHP6000 INCREASE IN THE MINIMUM PAY OF EMPLOYEES AND WORKERS IN THE PUBLIC SECTOR NATIONWIDE AND FOR OTHER PURPOSES.

Dahil sa epekto na inflation ay mas kakarampot na ang marating ng piso.

Mas kakaunti na ang mabibili at pababa na nang pababa ang halaga nito.

Kinakailangan naman na itaas na ang sahod ng ordinaryong mamamaan lalo na ang mga nagtitiis sa liit ng sahod sa gobyerno.

6. AN ACT TO AMEND SECTION 2 OF REPUBLIC ACT NO. 1405 OTHERWISE KNOWN AS THE SECRECY OF BANK DEPOSITS LAW, EXEMPTING GOVERNMENT OFFICIALS AND EPLOYEES FROM THE PROHIBITION AGAINST DISCLOSURE OR INQUIRY WITH ANY BANKING INSTITUTION AND FOR OTHER PURPOSE.

Isa itong kontrobersyal na panukala. Kamakailan lamang ay naging mainit ang talakayan tungkol sa deposito sa bangko diumano ni Chief Justice Corona dahil sa higpit ng batas na ipinagbabawal ang pagsasapubliko ng bank deposits ng isang depositor. Nais ng panukala na alisin sa proteksyon ng batas na ito ang lahat ng nanunungkulan sa gobyerno. Maipasa kaya ng congressmen na sila mismo ang tatamaan? O susundin nila ang panawagan ng daang matuwid ng Pangulo?

7. AN ACT TO LOWER THE AGE OF EXEMPTION FROM CRIMINAL RESPONSIBILITY AMENDING SECTION 6, 20, 22, 23, 58, AND 64 OF R.A. 9344, OTHERWISE KNOWN AS “THE JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OF 2006” AND FOR OTHER PURPOSES.

Ito rin ay isang mainit na panukala dahil sa hangad nito na ibaba ang age of criminal liability mula 15 anyos at gawin 11 anyos. Marami nang krimen na ang salarin ay mga batang kinse anyos pababa ngunit hindi nadedemanda ng mga biktima dahil sa kasalukuyang batas ay exempted sila sa criminal liability.

Marami nang kabataan ang nakagawa ng marahas at karumal dumal na krimen ngunit walang hustisyang nakuha ang mga biktima.

8. AN ACT PROVIDING FOR ADDITIONAL SUPPORT AND COMPENSATION FOR EDU-CATORS IN BASIC EDUCATION.

Ikatutuwa ito ng mga guro.Across the board na dagdag sahod na Php9,000 kada buwan, suporta sa pamamagitan ng allowances galing sa local school board.

Medical allowance at iba pang benfit package ang maibibigay sa mga guro ng basic education kapag naisabatas ito. Sa panukala ay paloob ditto ang mga public school teachers, locally funded teachers, Philippine Science High School System teaching and non-teaching personnel, non-teaching personnel ng DepEd excluding those occupying positions from salary grade level 30, under the DepEd schedule of salaries and/or Assistant Secretary upwards.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply