Mga panukalang dapat isabatas (unang bahagi)

NATABUNAN na raw at nabitin ang napakaraming mahahalagang panukala sa Kongreso dahil sa sobrang abala ng mga mambabatas sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Ilang buwan na lamang at malapit na muli ang halalan kaya’t mas magiging abala ang mga mambabatas sa kanilang re-eleksyon kaysa sa pagpasa ng mga panukala na pakikinabangan ng bayan. Sana naman ay hindi mangyari ito.

Naniniwala tayo na sa liderato nina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ay maipapasa at maisasabatas ang mga panukalang prayoridad ni Pang. Aquino at hinihintay ng taumbayan. Ilan dito ay ating isaad at himayin.

1. AN ACT PENALIZING UNFAIR TRADE AND ANTI COMPETITIVE PRACTICES IN RESTRAINT OF TRADE, UNFAIR COMPETITION, ABUSE OF DOMINANT POWER, STRENGTHENING THE POWERS OF REGULATORY AUTHORITIES AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES. Ang panukalang ito ay magsusulong ng mas malayang kalakalan at pipigilan ang pagmo-monopolya ng ilang tao lamang ng mahahalaga at malalaking negosyo. Nais ng panukalang ito na buwagin ang cartel, monopoliya at abuso ng kapangyarihan sa pangangalakal ng ilang tao lamang.

2. AN ACT DIRECTING THE REDUCTION OF ELECTRICITY RATES THROUGH THE UTILIZATION OF THE GOVERNMENT SHARE IN THE DISCOVERY, EXPLORATION, DEVELOPMENT, AND/OR PRODUCTION OF INDIGENOUS SOURCES OF ENERGY FOR THE PURPOSE OF LOWERING THE COST OF ELECTRICITY. Sa panukalang ito ay hinahangad na ibaba ang share ng gobyerno hanggang 3 percent ng net proceeds na galing sa benta ng energy resource o tinatawag na “amount due to the National Government and Local

Government units from the discovery, exploration, development and/or production of indigenous energy resource under new and existing service contracts.”

Inaasahan na sa pagbaba ng share ng gobyerno ay bababa ang halaga ng kuryente.

3. AN ACT ESTABLISHING A NATIONAL HOUSING PROGRAM FOR GOVERNMENT EMPLOYEES, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES. Nais ng panukalang ito na itaguyod ang Civil Service Housing Program na magkakaroon ng mandato para magkaroon ng pabahay ang government employees alinsunod sa mga ilalahad ng Civil Service Executive Committee. Ito ang inaasahang magbibigay solusyon sa pangarap ng marami na magkabahay ng sarili.

4. AN ACT GRANTING CIVIL SERVICE ELIGIBILITY UNDER CERTAIN CONDITIONS TO A GOVERNMENT EMPLOYEE WHOSE STATUS OR APOINTMENT IS CASUAL OR CONTRACTUAL AND WHO HAS RENDERED A TOTAL OF TEN (10) YEARS OF EFFICIENT SERVICE. Maraming casual or contractual government employees na mabibigyan ng security of tenure kapag naisabatas ang panukalang ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply