Mga preso makaboboto – Comelec

PINAYAGAN ng Commission on Elections (Comelec) na makaboto ang mga bilanggo sa buong bansa sa May 13, 2013 elections batay sa kanilang panuntunan.

Sa report, batay sa ilalim ng Comelec resolution No. 9371, lahat ng bilanggong aabot ng 18-taong gulang sa araw ng halalan sa 2013 ay papayagang makapagparehistro at makaboto.

Maglalagay ang Comelec ng mga satellite registration center sa lahat ng provincial, city, municipal jails at iba pang correctional at rehabilitation centers sa buong bansa upang hindi na sila kailangan pang lumabas.

Sa mismong araw ng halalan, magtatayo ang Comelec ng special polling places na tatauhan ng special board of election inspectors.

Papayagan lamang umanong makaboto sa ibang lugar ang mga bilanggo kung may kautusan ang hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply