Mga puta sa Novaliches proper; at mag-ingat sa itlog na bulok

ISANG bagong kaibigan natin ang lumapit sa inyong lingkod para ipanawagan sa kolum na ito ang matagal na aniyang nawawalang si Ernesto Salazar Jr., na taga-Brgy. Salvacion, Trento, Agusan del Sur.

Aniya, noon pang 1996 umalis sa kanilang lugar itong si Salazar para magtrabaho sa Pampanga bilang helper.

Batay sa kuwento ng bago nating kaibigan, napatay umano ng mga kasamahan ni Salazar ang kanilang amo.

Kung hindi raw sasama si Salazar sa kanilang pagtakas ay papatayin din siya ng kanyang mga kasamahan.

Mula noon ay wala nang balita kay Salazar.

Hanggang ngayon ay naghihintay ang kanyang mga magulang sa kanyang pag-uwi.

Umaasa ang bago nating kaibigan na mabasa ni Ernesto Salazar Jr. ang kolum na ito. Pero, nalulungkot ang inyong lingkod dahil itong si Salazar umano ay “no read no write”.

Haaaay… ang buhay nga naman.

***

BINABATI ni Ka. Edgar Maglalang, isa sa mga consultant ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), ng happy birthday ang kanyang kuya na si Jojo at ate Leonie. Ang pagbati ay mula rin sa kanyang misis na si Meanne.

Imbitado raw ang PHLRC riders sa Linggo pagkatapos ng 2nd Annual Meeting ng samahan.

***

ISANG concerned citizen ang nag-text sa Pinoy Hot Line kahapon.

Diyan daw sa Novalichez Proper lalo na sa SB Plaza ay laganap umano ang bintahan ng laman.

Kapag nagpapahinga ka raw sa nasabing lugar ay lalapitan ka ng bugaw, aalukin ka kung magkano.

Ang masaklap daw rito ay malapit lang sa barangay hall at malapit lang din ito sa police station 4.

Marami na raw nagrereklamo pero tila walang aksyon ang hepe ng kapulisan sa lugar gayundin ang barangay chairman.

Marami umano ang nagsasabi na hawak mismo ng mga pulis ang nasabing mga puta o pokpok.

Hoy, Kapitan Joe Bisaya, Sir! Bakit hindi mo inaaksyonan ang reklamong ito ng mamamayan?

Matagal na raw kayo sa serbisyo n’yo pero tila inutil ka pagdating sa prostitusyon sa iyong nasasakupan!

Magkano ba ang tinatanggap mo linggo-linggo?

***

ISA pang concerned citizen din ang nag-text sa Pinoy Hot Line.

‘Yung warehouse daw ng itlog na maalat diyan sa No. 10 Administration St., GSIS Village sa Brgy. Toro, Quezon City, sila raw ang nagsu-supply ng itlog ng pugo na puti sa SM Mall at iba pang grocery.

Ang reklamo, ‘yung fullout daw nilang mga itlog na bulok at sobra na sa date o expired ay binibenta pa rin nila sa mga palengke.

Kawawa raw ang mga nakabili nito.

Mga kababayan, mag-ingat sa bulok na itlog.

***

ISA pang concerned citizen  ang nagrereklamo sa kalakaran ng pagpoproseso ng clearances ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sobrang pahirap daw sa mga kumukuha ng clearance ang NBI.

Kailangan daw na makapila ka ng alas-dos ng madaling araw para makasama ka sa kuta nila ng 500. Tsk, tsk, tsk!

***

NAKATANGGAP din ng reklamo ang Pinoy Hot Line…. laban naman ito sa patrol ng Metro Manila Development Authory (MMDA) diyan sa Buendia Avenue sa Makati City.

Garapalan daw kung mangikil sa mga trucking ang patrol car na naka-assign sa nasabing lugar.

MMDA Chairman Tolentino, Sir…. aksyon!

oOo

Para sa inyong reaksyon at opinyon hinggil sa pagputok ng malalaking isyu sa bansa, mag-text sa 09192848266 o mag-email sa evendemata@gmail.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply