Mga reklamo

BIBIGYANG daang muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na  mga txt mssgs at mga  nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga

employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at  proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE ay iyon po ang nakasaad sa kanilang padalang text messages at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

* * *

Good am po! Bakit hindi pagtuunan ng pansin ng pamunuan ng Quezon City Police District yung mga pulis-kurakot. Kasi po, pag nakakita sila ng trucking na dumaan ay kinokotongan agad nila. Lalo na po yung mga nakasakay ng mobile, laging truck na lang po ang inaabangan nila.

Ang dapat nilang abangan ay yung mga masasamang  elemento na nagkalat diyan sa North at Visayas Avenue,  hindi yung mga dumaraang truck.

Diyan po sa nasabing lugar  ay nakaabang ang mga pulis  kotong na naka-mobile.

* * *

Good am po. Yung mga MMDA sa EDSA at Commonwealth Avenue ay mga track lang ang inaabangan at pag nahuli ka nila ay tumataginting na P500-P1,500 ang lagayan.

‘Yan po ba ang matuwid na raan na may sobrang pang-aabuso at pangongotong.

Dapat pong  alisan ng karapatang  maniket  ng kolorum ang mga yan, kasi ginagamit lang nila sa pangongotong yan. Dapat  sigurong ibalik na lang ang paniniket sa traffic police.

* * *

Good day po. Dito po sa Cainta Municipal Hospital, hindi ka nila bibigyan ng libreng check-up at libreng gamot pag wala kang voters ID. Dati po hindi ganun ang sitwasyon dito sa hospital na ito. Ang sabi, utos daw po ni Mayor Ilagan dahil malapit na ang eleksyon.

* * *

Lily’s Files, pakitulungan naman po kami rito sa Brgy. 32, Maypajo, Calookan City. Inutil  po ang aming Brgy. Chairman na si Alex Fernandez at ayaw aksyunan ang aming hinaing.

Ang mga anak po namin ay lulong na sa karera ng Kabayo kaya natututong magnakaw at magbenta ng droga para may pantaya sa karera.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang sa 09062653394 o mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply