Mga sundalong Kano nasa Albay para sa medical mission

DALAWANG batch ng US military na bahagi ng Pacific Angel Humanitarian Mission ang nasa sa lalawigan ngayon ng Albay.

Sa impormasyong ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dumating ang mga sundalong Kano lulan ng C17 aircraft ng US Air Force.

Kabilang dito ang medical at engineering team na mangunguna sa medical, dental at engineering civic programs sa lalawigan.

Ayon naman kay Col. Micheal Bach, ang lider ng naturang grupo, bukod sa kanilang tauhan may mga equipment din na magagamit upang mas mapadali ang kanilang misyon.

Makatutulong ng dayuhang grupo sa kanilang misyon ang mga counterpart nito sa AFP.

Sa Marso 10 pa magsisimula ang humanitarian mission subalit mas piniling agahan ng grupo ang pagdating upang magkaroon pa umano ng panahong makapag-ikot sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply