Mga taga-Kyusi muling binalaan sa banta ng dengue

MULING nagbabala ang Quezon City Health Department sa mga mamamayan na panatilihing malinis ang loob at labas ng kanilang mga tahanan dahil sa muling banta ng sakit na dengue.

Ayon kay Health Department head Dra. Antonietta Inumerable, bagamat summer na ay hindi pa rin aniya ligtas ang mga residente sa mga lamok na may carrier ng dengue.

Dahil sa low pressure area na may dalang mga pag-ulan, malaki ang posibilidad na magkaroon ng stagnat water sa mga baradong kanal, sapa, basura, sirang gulong at iba pang mga bagay na maaring pamugaran ng mga lamok na may dengue.

Dagdag pa ni Inumerable, magmula aniya nitong Enero hanggang sa kasalukuyan ay nakapagtala sila ng mahigit sa 500 kaso ng dengue at isa dito ang namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply