Miami pinausok ni LeBron James

MULING pinangunahan ni LeBron James ang Miami Heat para matalo ang Atlanta Hawks, 89-86 sa kasagsagan ng kanilang laban kanina.

“That was ugly there for a while,” ani Heat coach Erik Spoelstra. “We certainly weren’t in a great flow offensively. “But we were able to push through, grind out the game and make the finishing plays.”

Kumana si James ng 31 points at 11 rebounds.

Habang si Dwyane Wade ay nakagawa lamang ng isang puntos dahil na rin sa iniindang injury sa bukong-bukong sa first half, pero nagtapos ng 18 points, nine rebounds at six assists para sa Heat.

Ginawa man ni Josh Smith ang lahat para sa Hawk ay kinapos pa rin ang kanyang 23 points.

Unang gumawa ng 9-0 si Smith para sa Hawks pero agad ding nahabol ng Miami sa pagbasket nina Chris Bosh, Wade at Udonis Haslem.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply