MIAS 2012: Life in the Fast Lane

ANG pinakamalaking pagtitipon ng major car manufacturers sa bansa ay nakatakda nang ganapin sa ika-29 ng Marso, Huwebes, hanggang ika-1 ng Abril, sa susunod na linggo.

Ang Manila International Auto Show 2012 o MIAS 2012 ay may tema ngayong taon na ‘Life in the Fast Lane’. Kaakibat ang BPI Family Savings Bank  Auto Loans division sa pagplaplano ng pinakamalaking car gathering sa  bansa, ang tema  ngayong taon ng MIAS ay napili dahil sa unang pagkakataon, ang AAP o ang Automobile Association of the Philippines ay idadaos ang kanilang kauna-unahang awards night sa ikalawang gabi (March 30) ng MIAS.

Ang aktor naman na si Jomari Yllana ay ilulunsad rin ang kanyang sariling race team, ang Yllana Racing Team. Ang tanyag na racing school sa bansa, ang Tuason Racing School ay magbibgay ng isang seminar tungkol sa racing techniques at road safety.  Ang Motul distributor at tuner shop na Autoplus ay isasapubliko na rin ang tataguriang “Philippines’fastest cars”—isang customized na Ford GT supercar at isang Nissan GTR. Parehong sasakyan ay nakapagtala ng lap record na higit sa 200mph sa isang speed festival sa Subic Bay Airport kamakailan lamang.

Ang luxury brands naman na tulad ng Mercedes-Benz at BMW ay nakatakdang maglunsad ng kani-kanilang mga bago at customized na mga sports car.

Sa opening night naman ng MIAS 2012 ay gaganapin na rin ang awards night ng pinakapipitagang Car of the Year title.

Halos umaabot sa 26,000 square meters ang exhibit area ngayong taon na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City. Ang taunang MIAS ay pinangungunahan ng Worldbex Services International.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply