Jake nagtitilam-tilam kay Shaina!

NO’NG makausap namin si Jake Cuenca sa set visit ng Anino sa Antipolo, naihayag niya ang totoong nararamdaman kay Shaina Magdayao, ang kanyang kapareha sa Doha, isang teleseryeng kanilang ginawa sa mismong Qatar, sa Middle East.

Ani Jake, matagal na raw niyang crush at pantasya si Shaina na ngayo’y dyowa na ni John Lloyd Cruz, kaya lang, never niya itong nadiskartehan dahil,”Maybe, wrong timing lang,” matapang nitong sabi.

Kasi raw, noong panahong masidhi ang hangarin niyong ligawan ang dalaga, may gf siya in the person of Melissa Ricks at noong mga panahong ‘yon, pagmamay-ari naman ni John Prats si Shaina.

Mas lalo raw naging maalab ang pagnanais niyang makilala ang utol ni Vina M. dahil sa mga intimate scene nila sa Doha, kung saan nagising ang kanyang kakaibang damdamin.

“Nakatrabaho ko na siya at sa lahat ng projects namin, we were’nt able to do scenes like these (intimate scenes in Doha), (I know) she wasn’t comfortable pero in this project, parang nag-ooze ang confidence niya. Makikita mo talaga na lumalabas yong passion niya as a woman.” Makahulugang banggit pa ni Jake ukol sa pantasyang si Shaina. “I’m so proud of her, talagang finally, she’s a woman. Hindi na siya yong Shaina we all know magmula noong bata pa.” ani Jake na bitin ang sagot kung bakit nag-iba na raw si Shaina sa rati niyang nakilala.

Pero bumawi naman si Jake na hindi niya papatusin si Shaina dahil alam naman ng lahat na she and John Lloyd are happy with each other.

“Saka, magkaibigan kami ni John Lloyd,” mensahe nito sa aktor. “Wrong timing lang talaga!”

Me ganun?

—@@@-0—

SABI pa ni Jake, kaya pala siya nawawala sa eksena lately ay dahil sa almost 70% daw ng eksena ay kinunan sa Doha, Qatar. Ibig sabihin, sa Middle East siya nagtrabaho-bakasyon ng ilang buwan. Dahil trabaho raw ang punta niya sa Qatar, ang dala-dala niya pagpunta roon ay ang kanyang karakter as Paul ( role niya sa serye).

“More or less, iniwan ko si Jake sa Pilipinas. The moment na sumakay ako ng eroplano ako na si Paul, ako na yong karakter ko,” aniya.

Kaya naman pala natiis niyang talikuran ang nightlife, mahigpit ang ganitong kalakaran sa Middle East lalo na sa pambababae. Aminado naman si Jake na never siyang tumingin sa babae, more so, ang makipag-date.

“Mahirap do’n, lahat ng babae run, nakatalukbong. Kaya nga pigil!” natatawa siya sa medyo double-meaning niyang pahayag as in “no-sexlife ” sa bansang yon.

“Pinigilan ko talaga!” paulit-ulit niyang sabi.

Ibinalik ni Jake ang usapan sa ginagawang project, itong Anino as directed by Rahyan Carlos at first indie film na kanyang gagawin under Star Magic.

“Hindi ako ang bida rito, ” ani Jake.

Ang higit 100 workshoppers raw ng Star Magic ang magiging pambato ng nasabing indie film na malapit na ring mapanood.

—@@@—

SA EPISODE ng Kris TV nitong March 5, naging panauhin sina Gerald Anderson at Enrique Gil, mga aktor na kabilang sa malapit na ring matapos na Budoy.

Maganda ang topic, tungkol sa magagandang mensahe para sa mga special child na gaya ni Budoy (played by Gerald Anderson). Tama lang na bigyang-respeto at mahalin ang mga gaya ni Budoy kapag nakikita natin saan man.

Sa pagtatapos ng show, Kris asked Gerald kung sino ang inspirasyon nito lately dahil nga kapansin-pansin ang magandang aura ng aktor sa ngayon?
“Baby Girl!” ang sabot ni Gerald.

Kahit pa knows ng lahat na ang Baby Girl o “Babe” ang tawag nito kay Sarah Geronimo, still Gerald denies na ang Pop Princess nga ang nagpapasaya ng buhay nito sa ngayon.

Nag-react tuloy ang isang fan ni Kim Chiu na galit na galit sa aktor, “Nuknukan naman ng kasinungalingan yang Gerald na yan! Umamin ba sila ni Kim?

Kung kailan lang sila naghiwalay, saka naman umaamin na naging sila. Tigilan na nga kami ng Gerald na ‘yan! Manggagamit!” Bulalas ng isang fan na si Cristina Narvasa ng Bonoan, Binloc, Dagupan City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply