Michael V, Mannilyn Reynes tiniis ang init sa Singapore sa tatlong araw na taping

SOBRANG init daw sa Singapore nang mag-taping ang grupo ng Pepito Manaloto.

Sabi ng aming source na kasama sa entourage ng sitcom, tatlong araw silang nag-taping nang sunud-sunod para sa  dalawang episode na kinunan pa sa iba’t ibang panig ng Singapore. Kaya sacrifice talaga ang buong cast at crew na sama-sama kapag nagti-taping.

Iba raw ang climate ng Singapore nang kasagsagan ng taping nila. Sobrang humid ang paligid kaya maglalagkit pa raw ang katawan mo. Dahil dalawang episode ang gagawin, halos tatlong oras lang daw ang itinulog ng mga star at involved sa production.

Masaya naman sila dahil naikot nila ang iba’t ibang magagandang lugar sa Singapore kasama na rito ang parks at ang sikat na Tropical Zoo at Universal Studio Theme Park. Naakyat pa nila ang pinakabagong landmark sa Singapore na ang tower ay korteng barko at nandoon ang highest swimming pool in the world.

Bale ang ipalalabas ngayong Sunday ay ang second episode. Mas kuwela ito dahil sa maiiwanan ang ilang entourage ng pamilya ni Pepito Manaloto. May mawawalan ng passport at kung anu-ano pang problemang mai-encounter nila na pawang nakatutuwang panoorin.

Samantala, dahil malapit lang ang Singapore sa Pilipinas at tatlong araw ang taping, minabuti nina Michael V at Manilyn Reynes na dalhin ang members of the family nila.

Si Michael V ay kasama ang kanyang butihing misis at tatlong anak. Si Manilyn ay kasama siyempre si Aljohn Ji- menez at ang kanilang tatlong anak. Dinala rin ni Manilyn ang kanyan parents para mag-enjoy rin sa Singapore. Bukod sa sight seeing ay enjoy rin ang pami-pamilya sa pamimili ng souvenirs.

000

SUPER saya ni Direk Maryo J. delos Reyes dahil ang kanyang katatapos lang Munting Heredera ay isa sa napili ng GMA-7 para i-nominate sa drama series category sa prestigious Emmy Awards ng USA. Ang isa pang soap na inu-nominate ay ang Amaya na tumagal din sa ere tulad ng Munting Heredera.

Bale pangalawang pagkakataon na ni Direk Maryo J. na ino-nominate ang kanyang soap opera sa GMA-7, ang una ay sa Magdusa Ka!

Sinuwerte ang Magdusa Ka dahil pumasok sa official nominations sa Emmy Awards. Pumunta pa sina Dennis Trillo, Katrina Halili at Direk Maryo J sa awards night noon.

Samantala, ipinasok na ang pangalan nina Neil Ryan Sese, Gloria Romero, Camille Prats at Roderick Paulate para lumaban sa nominations sa acting awards para sa Munting Heredera.

Ang sure pa lang namin na makakasama sa Amaya ay si Marian Rivera pero siyempre, marami pang ino-nominate ang network sa magagaling na artista ng nasabing fantaserye.

Sana’y makapasok ang dalawang soap na ito sa sa official nomination lists ng Emmy Awards.

000

PINAPIPILI ng TV5 ang nag-iisang Superstar Nora Aunor kung anong unang project ang gagawin sa TV 5 ngayong 2012. May option kay Ate Guy na gawin ang isang soap opera o isang drama anthology.

Nakapag-first meeting na last week si Ate Guy. Sa ikalawang meeting daw ay puwede nang malaman ang kasagutan ng Superstar.

Kailangang makapagsimula na agad si Ate Guy ng kanyang project sa TV5 dahil mga bandang July ay babalik na muli sa America ang aktres dahil sa renewal ng kanyang green card. Bukod pa rito, anytime ay puwedeng tumawag ang doctor sa Boston para magbigay ng notice sa kanyang throat operation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply