Mikael Daez di nagbabago ang paghanga kay Solenn Heussaff

HANGA kami sa batang si Roseanne Magan, tampok na batang actress sa Biritera, kasi super sipag mag-aral kahit siya’y nasa set basta huwag lang bumababa ang kanyang grades sa school.

Sabi ng kanyang ina na sa kanya’y nangangalaga habang nasa set, pursigido pa ring mag-aral ang anak kahit super busy sa taping. Hindi niya kinakaligtaan ang pag-aaral ng lahat nang assignments sa school para hindi siya ma-left behind sa klase.

Kapag may exams naman na may taping si Roseanne, binibigyan siya ng tsansang kumuha ng special exams. Hindi nga bumaba ang grades niya kahit busy siya sa pag-aartista. Mataas pa rin sa English at Pilipino, gayundin sa Math na average pa rin ang kanyang grades last grading.

Naging huwaran siya sa mga kapwa niya batang artista na priority pa rin ang pag-aaral sa regular school kahit siya’y busy sa tapings. Yung iba kasi ay mas pinili ang home study compared sa regular class. Si Roseanne ay pumapasok kapag walang taping.

000

SA dinami-rami ng mga babae sa showbiz, hindi pa rin nagbabago ang paghanga ni Mikael Daez kay Solenn Huessaff. Hangang-hanga si Mikael buhat nang nakasama niya si Solenn sa Temptation Island.

Magkatambal silang dalawa sa movie. Bale na starstruck ang sexy actor sa dalaga na half-Pinoy at half Pranses. Super bait daw kasi ni Solenn bukod pa sa super talino at maraming gustong gawin sa buhay na kayang-kayang panindigan.

Hindi lang siya aktres ngayon, singer pa rin siya bukod pa sa magaling siyang stylist, accomplished painter pa. Mahilig mag-paint si Solenn ng abstract.

Sa pag-aartista ni Solenn, di siya maaaring tawaran. Di naman siya iboboto ng Star Awards for Movies bilang Best New Actress of the Year kung wala siyang karapatan.

In fact, halos lahat ng leading men sa GMA7 ay gusto siyang makatrabaho. Hanga sila sa dalaga dahil super ganda at sexy. Gaganahan kang umarte, kapag ikaw ay isang Adan.

Mataas ang panlasa sa babae ni Mikael dahil sanay na siyang makakita ng mga super sexy at beauty na mga babae. Galing siya sa modelling bago siya pumasok sa showbiz. Nakilala siyang commercial model noon ng isang fast food chain.

000

NAKATUTUWANG kausapin si Julian Trono. Hindi siya nagmamadaling maging teenager agad. nag-e-enjoy kasi siya sa kanyang ginagawa bilang child actor. Kahit siya’y 12 years old na ngayon, enjoy pa rin niyang kasama ang mga bulilit na kasama sa Tropang Potchi na mapapanood tuwing Sabado ng umaga sa GMA7.

Ang pambatang programa ng network ay may iba-ibang temang tinatalakay tuwing Sabado para mag-enjoy ang mga batang manonood. Tulad ngayong Sabado, dadalaw ang dalawang batang Potchi sa Ilocos Region.

Magliliw-aliw ang dalawang cast ng nasabing kiddie show na sina Miggy Jimenez at Sabrina Man sa napakaganda at makasaysayang probinsiya ng Ilocos.

Doon ay susubukan nila ang nakakaaliw sa sand dune adventures tulad ng sand-boarding at dune bashing. Magtu-tour rin sila sa mga makasaysayang siyudad ng Laoag at bibisitahin nila ang Laoag Sinking Bell Tower at ang Paoay Church. Siyempre, hindi makukumpleto ang bakasyon ng mga chikiting kung hindi matitikman ang masasarap na pagkaing Ilocano.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply