MILF-MNLF war tumitindi: 20 bahay nasunog

NASUNOG ang may 20 bahay bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Barangay Tonganon, Carmen, North Cotabato.

Dahil dito, may 156 pamilya pa ang napilitang lumikas sa takot buhat nang magsimula ang gulo noong Marso 18.

Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.

Nakiusap na rin ang militar sa mga kumander ng dalawang grupo na ayusin ang hidwaan sa mapayapang paraan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply