Militar vs rebelde: 1 patay, 5 sugatan

ISA ang nasawi habang lima ang sugatan makaraang magkasagupa ang tropa ng gobyerno at ng mga rebelde sa Tubungan, Iloilo kaninang umaga, Marso 26.

Ayon kay Punong Barangay Luis Tagudando ng Brgy. Ingay, Tubungan, Iloilo, dakong alas-7:40 kaninang umaga nang maganap ang engkuwentro sa boundary ng Brgy. Ingay at Brgy. Adgao, Tubungan.

Nabatid na dalawang sasakyan ng mga sundalo mula sa 82nd Infantry Battalion na nakabase sa Miag-ao, Iloilo ang tinambangan ng mga rebelde.

Ayon sa mga nakasaksi, ang panghuling sasakyan umano ang napuruhan nang paputukan ng mga rebelde habang gumanti naman ang mga sakay sa naunang sasakyan ng mga sundalo.

Tatlo sa mga sundalo ang sugatan habang dalawa naman sa mga sibilyan ang nadamay na nakilalang sina Belita Tabiosa, 87, na nasa loob ng bahay malapit sa pinangyarihan ng sagupaan at Edgardo Taala na isang negosyante na sakay din ng isang sasakyan na sinusundan ng mga sundalo nang mangyari ang barilan.

Wala pang pagkakakilanlan ang namatay na may tama sa likod na dinala sa morgue ng Guimbal District Hospital.

Habang dinala na ang tatlong sundalong sugatan sa ospital sa lungsod ng Iloilo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply