Military helicopter bumagsak sa Agusan del Norte: 1 sundalo malubha

MALUBHANG nasugatan ang isang sundalo habang ligtas naman ang apat nitong kasama makaraang bumagsak ang kanilang sinasakyang Huey helicopter sa kagubatan ng Jabonga, Agusan del Norte kaninang umaga, Marso 11.

Base sa panayam sa radyo kay Butuan kay Col. Ferdinand Napule, pinuno ng 9th Special Forces ng Philippine Army, hindi pa napababatid sa pamilya ng nasugatang sundalo ang nangyari kung kaya’t hindi pa nila maibibigay ang pangalan ng biktima na nagtamo ng sugat sa paa ngunit kasalukuyang nilalapatan na ng lunas.

Nabatid na mula sa Davao City ang chopper na may dalawang piloto at tatlong sakay na sundalo na patungo sa Camp Bancasi sa Butuan City para sa flight mission.

Nabatid pa na nang pabalik na sana ang naturang chopper ay sumabit ito sa isang malaking sanga ng kahoy sa kanyang pag-ikot kung kaya’t hindi na ito nakontrol pa ng piloto at bumagsak.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply