Minimum fare sa dyip P8.50 na simula bukas

SIMULA bukas (Miyerkules, Marso 21) P8.50 na ang minimum fare sa mga pampublikong dyip, maliban sa Region 12.

Kanina, inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang halagang 50 sentimos na provisional fare increase para dyip kaya mula sa dating P8 ay magiging P8.50 na ito.

Ayon kay LTFRB chairman Jaime Jacob, ang nasabing dagdag-pasahe ay epektibo bukas ng umaga at agarang ipatutupad na hindi na kailangang dumaan sa pagdinig ng board.

Aniya, ang nasabing increase ay ipatutupad habang dinidinig pa ng LTFRB ang petisyong inihain ng iba’t ibang transport groups na humihingi naman ng P2 karagadagan sa minimum fare sa dyip.

Aniya, kailangang ibalik sa P8 ang minimum fare kapag bumalik sa halagang P45 ang kada litro ng diesel.

Hindi naman kasama ang Region 12 sa nasabing fare increase dahil hindi naman sila humingi ng fare adjustment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply